Shyrie Ramirez Morta has locked her Facebook page after road rage in Antipolo
STATEMENT:
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Antipolo Component City Police Station kaugnay ng road rage incident na nagresulta sa pisikal na pinsala sa isang walong (8) taong gulang na batang babae noong Setyembre 21, 2026 sa kahabaan ng M.L. Quezon Extension, malapit sa Nayon Silangan, Brgy. Dalig, Antipolo City.
Batay sa isinagawang cyberpatrolling at information gathering, natukoy ng mga tauhan ng Antipolo CCPS ang kinaroroonan ng dalawang suspek na sinasabing sangkot sa insidente sa Sampaguita St., Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig. Sa pakikipag- ugnayan sa landlord, nakilala ang mga ito bilang sina JAYVEE ADUQUE, na sinasabing driver, at SHYRIE RECTO MORTA, na sinasabing backrider ng motorsiklo.
Gayunman, napag-alamang hindi na umano sila bumalik sa kanilang inuupahang lugar matapos ang insidente. Nagsagawa rin ng beripikasyon ang mga pulis sa Brgy. Dela Paz, kung saan sinasabing naroon ang mga kamag-anak ng babaeng suspek. Napag-alaman na bago pa man dumating ang mga pulis ay nagtungo na roon ang dalawa upang kunin ang kanilang isang (1) taong gulang na anak at pagkatapos ay agad na umalis.
Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa ina ng biktima para sa kanyang sinumpaang salaysay at pormal na pagsasampa ng reklamo. Patuloy ang masusing imbestigasyon at paghahanap sa mga indibidwal na sinasabing sangkot sa insidente. Tinitiyak ng Antipolo PNP na ang lahat ng nararapat na hakbang ay isinasagawa alinsunod sa batas at due process upang matukoy ang buong pangyayari at mapanagot ang sinumang mapatutunayang responsable.
**
PLTCOL MARK HENRY A GARCIA
Video Below:
